Home / Tips For The Day / Drayber na walang lisensya, pwedeng walang liability

Drayber na walang lisensya, pwedeng walang liability

12669624_1663396717260051_140560871448877997_n
Isang pulis-imbestigador ng Tarlac ang nagtanong:

Tanong: Sir, ako po ay traffic investigator ng aming estasyon. Hindi ko po alam ang gagawin ko sa isang kaso dahil dalawa ang bersyon ng mga kasama ko kung sino ang sasampahan ng kaso. Ito po ang nangyari.

Isang Montero ang sumalpok sa Fortuner. Ang drayber ng Montero ay may lisensya at OR/CR na maybisa. Ang drayber ng Fortuner ay walang lisensya at wala ng bisa ang OR/CR. Subalit, nasa “right of way” ang Fortuner.

Ayon sa isang grupo sa estasyon, otomatik na dapat na makasuhan ang drayber ng Fortuner kasi nag maneho siya ng sasakyan ng walang lisensya. .Ayon naman sa isang grupo, dapat na kasuhan ang Montero sapagkat siya naman talaga ang puno’t dulo ng aksidente. Paglabag sa trapiko lamang ang kasalan ng Fortuner at hindi dapat na makasuhan

Sagot: Kung binasa natin ang Revised Penal Code Annotated, ibig sabihin iyong makapal na may mga paliwanag at halimbawa ( ito ang gamit ng mga abogado), at hindi iyong Codal, ibig sabihin, iyong teksto lamang (kadalasan gamit ng mga pulis sa training at sa estasyon), malalaman natin na ang basehan ng criminal negligence o reckless imprudence ay walang iba kundi – KAPABAYAAN o sa ingles IMPRUDENCE O NEGLIGENCE. Sa madaling sabi, kung sino iyong may kapabayaan base sa imbestigasyon ng pulisya, siya ang dapat na makasuhan.

Sa ilalim ng Civil Code, ang isang drayber na may paglabag sa trapiko , halimbawa, walang lisensya ay “presumed” negligent. Bakit presumed? Kasi puwedeng mawala ang presumption kung mayroong siyang ebidensyang magpapatunay na wala siyang kapabayaan. Hindi sinasabi, mga kasama, sa Revised Penal Code na kapag ang draybey ay walang lisensya, siya na ang otomatikong may kasalanan. Itong paniniwala ay minana natin sa mga sinaunang imbestigador na walang legal na basehan.

Sa ating kaso ngayon, base sa kwento ng ating kasama, ang dapat na makasuhan sa ilalim ng Revised Penal Code ay ang drayber ng Montero, dahil lumalabas na sa kaniya ang kapabayaan kung bakit nagkaroon ng aksidente, kahit pa na mayroong siyang lisensya at OR/CR at ang Fortuner ay wala. Suportado rin ito ng isang kasong nadesisyunan ng Korte Suprema. Ngayun, kung gusto mong tiketan ang drayber ng Fortuner dahil sa traffic violation, puwede mo rin gawin yan.

Credit To:Reynold Villania for PNP Continuing Legal Education

Check Also

IMG_0800

Tip for the Day: 3 Simple Ways to Chill While at Work

In life, we are sometimes forced to face stress, and one of the main cause …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *